Edsa Revolution I & II:
From pelikulang suspense to dambulahang MTV
ni Angela Stuart-Santiago


Parehong bongga at kamangha-mangha ang People Power I at People Power II. Biglang nagtipon ang daandaang-libong taongbayan sa EDSA and by their sheer presence ay tahimik na napa-step down from the seat of power ang isang presidente.
Pero totoo rin ba ang puna ng mga kritiko na bitin ang Edsa Two, na ito'y parang poor (kahit pa hightech) imitation kung ikokompara sa original o unang Edsa?


Natural, magkaiba ang drama ng Uno at Dos.

Noong Pebrero 1986, umiiral pa ang batas militar. Kahit matapang nang nagpo-protesta ang mga Coryista bilang tugon sa pandaraya at pagkakapanalo ni Marcos sa snap elections, kahit namamayagpag na ang civil disobedience campaign ni Cory at parami na nang parami ang nagboboykot ng crony businesses-in other words, kahit nag-iiba na ang ihip ng hangin sa Maynila-delikado pa rin, mapanganib pa rin, ang magpunta sa Edsa, not only that first evening of the defection but all through the next two days when violence could have erupted.

Ang matatapang lang ang pumunta at nanatili sa Edsa para ipagtanggol sa puwersang Marcos-Ver ang rebeldeng militar nina Ramos, Enrile, at Honasan na nasa Camp Aguinaldo at Camp Crame. Sey nitong matatapang, waving and wearing Cory-yellow, eh ano kung may paratíng na anti-riot police to disperse the crowds, eh ano kung may paratíng na battle-tested Marines lulan ng mga tangke at armored personnel carriers, eh ano kung may paratíng na Sikorsky helicopter gunships, bobombahin yata ang Crame, eh ano kung may mga kanyon sa golf course ng Aguinaldo na nakaumang din sa Crame-bahala na si God, let us pray and kapitbisig for a miracle.

At sinakop nila ang kahabaan ng EDSA from Ortigas to Santolan, a lot of space para magdasal at umawit, magpicnic at magpahinga, mamasyal at magsosyal, next to images of the Virgin Mary and the Santo Niño, next to transistor radios na puro naka-tune in kina Cardinal Sin at June Keithley sa Radio Veritas, a sea of people waiting and ready for the call to surge forth to the barricades and face tanks, patay kung patay, in the most stunning show of People Power ever.

In contrast, nitong Enero 2001, walang armadong militar para ipagtanggol, suwayin, o katakutan ang taongbayan. Walang panganib na nagbanta sa madlang anti-Erap (at anti-Eleven) forces na dumagsa at nagsiksikan sa Edsa Shrine at flyovers sa paligid ng state-of-the-heart daing-na-bangus image of Our Lady of Edsa.

Ang meron lang ay daan-daang libong kabataan (mabuhay kayo!) na nakaitim, black mood talaga, luksang-luksa, at galit na galit, ngitngit na ngitngit, sa onseng mang-oonseng senador na alang-alang kay Erap ay hindi na nahiyang pagtakpan ang katotohanang laman ng second envelope sa impeachment trial.

Galit at ngitngit na walang sawa at walang pagod na itinext at isinigaw, ikinanta at isinayaw ng kabataan in that awesome non-stop four-day People-Power SRO (Standing Room Only) indignation rally, kung saan naghalinhinan sa isang maliit na stage ang sari-saring grupo-rightist politicans and leftist activists and NGO leaders, sosyal artistas and tibak performers, nuns and priests and seminarians, pastors and ministers and imams-kanya-kanyang palabas, kanya-kanyang eksena, pang-aliw at panggising sa madlang kabataan, pag-asa ng bayan.

Mas eventful lang talaga, parang pelikulang suspense, ang Edsa One, samatalang ang Edsa Two ay tipong MTV o music video ng isang dambuhalang anti-Erap rave party.

Pero huwag isnabin ang Edsa Two, na merong important improvement on One, which is, the official participation of the Left. Noong '86 quiet lang ang mga leftist activist groups o tibak na pumunta sa EDSA at nakipagkapit-bisig sa mga Coryistang pari at madre, burgis at konyo, sa mga barikada-boykot kasi ang official stand ng partido komunista ni Jose Ma. Sison sa kampanya ni Cory (nagkamali sila).

Nitong 2001, isa sa mga pinakamaingay ang mga tibak sa entablado: HATOL NG BAYAN, GUILTY SI ERAP! Hatí-hatí na rin sila-may re-affirmists (RA) na bow pa rin kay Sison na pro-Gloria; may rejectionists (RJ) na ayaw na kay Sison at ayaw din kay Gloria-pero, wow, nagkaisa sila sa EDSA, along with the middle and rightist forces: SOBRA NANG PAHIRAP, PATALSIKIN SI ERAP!

Not that these post-EDSA times are any kinder to the Left. Hayan nga't kapapatay kay labor leader Ka Popoy Lagman, RJ (what a loss!), bringing back memories of the unsolved killings of Rolando Olalia in late '86 and Lean Alejandro in '87. Pray that this does not drive Ka Popoy's RJs back to violent ways.

Because People Power needs a non-violent Left component. People Power needs tibaks who will work with the burgis in forging a new economic and political order na tunay na ikauunlad ng bayan, hindi lang ng mayayaman at dayuhan.

Ngayong naaaninag na natin where President Gloria is headed, or not headed, iyan na rin ang next mission ng People Power:
Baguhin hindi lang ang mga pulitiko, baguhin ang sistema mismo.

In a nation of two Edsas, nothing is impossible.

 

Return to EdsaWorks